Pulis na lider umano ng grupong kriminal, patay sa buy-bust sa S. Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 03:53 PM

Napatay noong gabi ng Sabado ang isang pulis na itinuturong lider ng isang grupong sangkot sa mga ilegal na aktibidad sa South Cotabato.

Ayon sa mga pulis, nagsagawa sila ng buy-bust para mahuli si Police Officer 1 Rommil Barcellano, na nakatalaga sa South Cotabato Police Provincial Office.

Pero nanlaban umano si Barcellano at nakipagbarilan sa mga awtoridad, na kaniya namang ikinasawi.

Si Barcellano ang sinasabing lider ng Banjo Barcellano Group na sangkot sa pag-recycle ng shabu, carnapping, akyat-bahay at gun for hire. --Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.