Nagbabadyang 'super typhoon,' lumalapit sa bansa

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 06:48 PM | Updated as of Sep 10 2018 07:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinangangambahan na maging 'super typhoon' ang bagyo na nasa hilagang bahagi ng Luzon, ayon sa state weather bureau na PAGASA.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ang Typhoon Mangkhut sa Miyerkoles o Huwebes. Ang susunod na bagyong papasok sa Pilipinas ay nakatakdang pangalanan na 'Ómpong​.' 

Isa namang low pressure area ang magdadala ng kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa mga lalawigan ng Ilocos, Apayao, Abra, Batanes, at Babuyan Group of Islands.

Makakaranas naman ng maulap na panahon at isolated rainshowers o pag-ulan dahil sa localized thunderstorms ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.