Lima, arestado sa buy-bust sa Marikina

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 07:58 AM

MANILA - Arestado ang lima, kabilang ang isang babae sa buy-bust operation sa Marikina.

Kinilala ang mga suspek na sina Alyas Judith, 35 anyos; Jaypee, 30 anyos; Mark Christopher, 28 anyos; Edison, 28 anyos at Diosdado, 28 anyos.

Ayon sa paunang ulat ng Marikina City Police, isinagawa ang buy-bust sa Block 68, Palay St., Creek Side, Brgy. Tumana.

Narekober ang P500 halaga ng shabu mula kina Judith, Jaypee at Diosdado. Arestado rin ang 2 umano'y parokyano nila na sina mark Christopher at Edison.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.