Lalaking sinita dahil walang helmet, nakuhanan pa ng droga sa Makati

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 09:21 AM

MANILA - Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng umano'y ilegal na droga sa Makati.

Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati Police, nagsasagawa sila ng Oplan Sita nang mahuli ang isang 25-anyos na motorcycle rider sa Kakatong Street corner Biak na Bato sa Brgy. Olympia sa Makati. Sinita ang lalaki dahil hindi umano siya nakasuot ng helmet.

Hiningan ng lisensya ang lalaki pero student permit lang ang naipakita nito kaya inimpound din ang kaniyang motor. Nang inspeksyunin ng mga pulis ang compartment ng motor, doon na napansin ang sachet ng hinihinalang droga na nakasilid sa loob ng isang lighter.

Ikinulong agad ang lalaki sa Makati City Police Station.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.