Gusali sa Cagayan De Oro, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 02:25 PM

Kuha ni Joey Yecyec, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO CITY - Nasunog nitong umaga ng Linggo ang isang residential at commercial building sa kanto ng Tiano at Del Pilar St. sa Barangay 19 sa lungsod na ito.

Tinatayang nasa P240,000 ang halaga ng pinsala ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy pero pinaniniwalaang nagsimula ito sa opisina ng Maanyag Manpower Services sa ikalawang palapag.

Walang naiulat na nasugatan sa insidente at hindi rin nadamay ang mga katabing gusali.

"Malaki talaga ang naitulong ng firewall dahil na-confine lang dito ang sunog at 'di na nadamay ang mga katabing bulding," ani Fire Senior Inspector Pedro Felicilda.

-- Ulat ni Joey Yecyec, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.