Dalawa patay matapos 'manlaban' sa buy-bust sa Bulacan

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 08:10 AM

MANILA - Dead on the spot ang 2 drug suspect matapos umano silang manlaban sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa San Rafael, Bulacan.

Ayon sa pulisya, ikinasa nila ang buy-bust operation laban sa isang alyas John sa Viola Highway, Brgy. Coral na Bato.

Nakabili umano ang isang poser buyer nila ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula kay alyas John.

Pero nakatunog ang suspek na pulis ang katransaksiyon nito kaya't bumunot ito at ang mga kasamahan nito ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti umano ng putok ang mga pulis at agad napatay si alyas John at isa pang suspek na hindi pa nakikilala.

Nakatakas naman ang isa pang kasamahan ng mga suspek.

Nakuha mula sa crime scene ang 2 baril, ilang basyo ng bala at isang motorsiklo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.