‘Chop-chop’ na bangkay ng babae, natagpuan sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 12:46 AM | Updated as of Sep 09 2018 09:45 AM

DAVAO CITY—Putol putol na parte ng katawan ng isang babae ang natagpuan ng mga basusero sa Sanitary Landfill, New Carmen, Sabado ng tanghali.

Ayon kay Andot Gaban, nakalagay sa sako ang ulo, paa at kamay ng babae. Nawawala pa rin ang gitnang bahagi ng katawan nito.

Hindi pa matukoy ang edad ng biktima.

Dinala na sa Tugbok Police Station ang bangkay. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.