Barangay kagawad, natagpuang patay sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 07:59 AM

MANILA - Natagpuan ang bangkay ng isang barangay kagawad sa loob ng kanyang bahay sa Caballeros St., Binondo, Maynila.

May tama ng bala si Anthony Yu, 52 anyos, at may katabi na kalibre .38 na baril.

Anak ni Yu ang nakadiskubre sa bangkay ng ama.

Si Yu ay kagawad ng Barangay 281, Zone 26 District 3.

Inaalam pa kung nagpakamatay ang lalaki o may foul play sa pangyayari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.