13 naaktuhan sa drug session sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 05:55 PM | Updated as of Sep 09 2018 06:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nahuli ang 13 katao matapos maaktuhan umano ng pulisya habang gumagamit ng ilegal na droga sa lungsod ng Bacoor, Cavite.

Nilusob ng pulisya ang isang bahay sa Barangay Habay I na matagal na umanong inirereklamo ng barangay dahil sa mga kahinahinalang taong pumupunta roon.

Nakuha sa mga suspek ang mga sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang halos P350,000.

Nakuha rin sa kanila ang dalawang baril at mga bala.

"Hindi mo akalain na sa loob ng subdivison ay ang dami palang taong gumagamit doon," ani Superintendent Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police.

Dati nang nakulong ang mag-live-in partner na may-ari ng bahay dahil din sa mga kasong may kinalaman sa droga.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. --Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.