Sunfish natagpuang patay sa Southern Leyte

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2017 06:09 PM | Updated as of Sep 11 2017 12:30 PM

Natagpuang patay ang isang sunfish sa Hinunangan, Southern Leyte nitong Sabado. Kuha ni Bayan Patroller Juan Griyego

Isang patay na sunfish ang natagpuan sa dalampasigan ng Hinunangan, Southern Leyte nitong Sabado.

Ayon kay Melchi Costa, agriculture technician sa fisheries ng Department of Agriculture, may lapad na 5 feet at may habang 7 feet ang sunfish. 

Tinatayang may bigat na 400 kilos ang isda. Hindi pa tiyak ang sanhi ng pagkamatay nito at kung bakit ito naanod sa lugar.

Nasa dalampasigan pa ng Barangay Biasong ang sunfish habang hinihintay ang desisyon ng mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kung ililibing o ipe-preserba ang isda.

Ang sunfish ay isa sa mga pinakamalalaking isda na matatagpuan sa karagatan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.