'Big-time' oil price hike, nakaamba sa darating na linggo

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2017 10:57 PM

Sa ikawalong sunod na linggo, inaasahang tataas na naman ang presyo ng mga produktong langis.

OIL PRICE HIKE

Diesel
P1.20-P1.30/litro 

Gasolina
P0.30-P0.40/litro

Kerosene
P0.80-P0.90/litro

Noong Martes, nauna nang nag-anunsiyo ang ilang mga kumpanya ng langis sa pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene.

Samantala, ayon sa mga may-ari ng maliliit na karinderya, maaaring magtaas sila ng presyo ng ibinebentang lutong pagkain dahil sa pagtaas ng presyo ng LPG mula P570 na naging P600.

Giit ng grupong Laban Konsyumer, naaapektuhan ang presyo ng langis dahil sa mahinang palitan ng piso kontra dolyar at ang paghagupit ng bagyong Harvey sa oil-producing state na Texas sa Amerika.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.