PatrolPH

Klase sa kindergarten sa Las Piñas, suspendido

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2021 11:52 PM

MAYNILA - Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas City na kindergarten na lang ang suspendido ang klase ngayong Sept. 9, 2021, matapos ibaba ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal ng Metro Manila sa Signal #1 mula sa Signal #2 alas-8 ng gabi Miyerkoles.

 

Tuloy na ang klase mula elementarya pataas.

"Dahil sa pagbaba ng signal number 1 ng Bagyong Jolina sa Metro Manila kasama ang Lungsod ng Las Piñas, ang klase sa pribado at pampublikong paaralan sa kindergarten level na lamang po ang suspendido," sabi sa isang post sa official Facebook page ng Las Piñas City government.

Pero nakaantabay pa rin ang lokal na pamahalaan sa anumang pagbabago sa tropical cyclone wind signal sa Metro Manila para magpatupad ng angkop na class suspension.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.