PatrolPH

TINGNAN: Alagang aso, mga kuneho sinagip sa gitna ng pagbaha sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2021 05:47 AM | Updated as of Sep 08 2021 05:03 PM

Ayon sa isang residente ng bayan ng Dulag, gumawa aniya sila ng paraan na mailigtas ang mga alagang kuneho sa kasagsagan ng pananalasa ng Jolina. Courtesy of Rosemarie Garcia
Ayon sa isang residente ng bayan ng Dulag, gumawa aniya sila ng paraan na mailigtas ang mga alagang kuneho sa kasagsagan ng pananalasa ng Jolina. Courtesy of Rosemarie Garcia

Nailigtas ang isang 1 aso at 2 rabbit sa kasagsagan ng pagbaha na dala ng bagyong Jolina sa bayan ng Dulag, Leyte, nitong Martes.

Ayon kay Rosemarie Garcia, dahil sa walang tigil na pag-ulan bumaha sa kanilang lugar sa Barangay Sabang Daguitan.

Gumawa aniya sila ng paraan na mailigtas ang kanilang alagang hayop sa kasagsagan ng pananalasa ng Jolina.

Lagpas-tuhod umano ang tubig baha, pero ngayon unti-unti na itong humuhupa. 

Samantala, nagdulot ng pinsala at pagbaha ang Jolina sa Eastern Visayas at maging sa Bicol, partikular na sa Masbate, magmula gabi ng Lunes. 

Alas-12 ng hatinggabi ng Martes ay binaha na ang ilang bahagi ng Ormoc City, Leyte. 

Ayon sa ilang mga inilikas na residente, ito ang unang pagkakataon na umabot sa baywang ang baha sa kanilang lugar. 

Nagmistulang lawa din nitong umaga ng Martes ang ilang palayan at kalsada sa ilang bahagi ng siyudad, batay sa mga kuha isang residente.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.