Navotas LGU ipinasara ang ilang 'pisonet' computer shop dahil sa paglabag sa ordinansa

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2020 02:38 PM

MAYNILA - Dalawang "pisonet" computer shop ang ipinasara ng Navotas LGU matapos lumabag sa mga ipinatutupad na ordinansa ng lungsod.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, ipinasara ang mga computer shop dahil hindi nila pinapayagan ang pagbabalik operasyon nito. 

Napag-alaman din na nag-o-operate ang mga computer shop na ito na walang business permit at hinayaan din umanong maglaro ng computer games ang mga menor-de-edad.

Kasabay ng pagpapasara sa nasabing mga "pisonet", pagmumultahin din aniya ang mga magulang/guardian ng mga batang nahuling naglalaro. 

Pinaalalahanan ng alkalde ang mga magulang na disiplinahin at panatilihin sa bahay ang kanilang mga anak. 

Batay sa tala ng LGU, 45 na computer shop na ang napasara sa lungsod dahil sa mga paglabag sa ordinansa at 1,187 minors at adults na ang nahuling lumabag sa curfew. 

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.