Mga kliyente ng veterinary clinic nahagip ng SUV

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2020 05:34 PM | Updated as of Sep 09 2020 07:11 PM

Nakuhanan ng surveillance camera ang pagharurot ng SUV sa direksiyon ng mga kliyenteng nasa labas ng veterinary clinic sa Quezon City.

Nakaligtas ang ilang kliyente ng isang veterinary clnic sa Quezon City matapos silang mahagip ng isang SUV sa labas ng establisimyento.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa insidente noong umaga ng Sabado, mapapanood ang biglang pagharurot ng sasakyan papunta sa mga tao sa labas ng clinic.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa traffic investigator na si Corproal Pablo Pagandiyan Jr., nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan.

Agad tumulong ang ilang nasa lugar sa mga naararo ng sasakyan.

Kasama sa mga dinala sa ospital ang 2 anak ni Nonoy Tonga at ang lalaking kasintahan ng isa nitong anak.

Nagtamo ng mga pasa ang isang anak ni Tonga habang ang kasintahan naman ay nagtamo ng injury sa ulo.

Nagpapasalamat pa rin umano si Tonga dahil ligtas at buhay ang kaniyang mga anak, pati na rin ang kasintahan ng isa sa mga ito.

Una nang inaresto ng mga pulis ang driver na SUV, na nakikipag-areglo umano sa mga kaanak ng mga biktima.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.