P339-milyong Ultra Lotto jackpot, solong nasungkit ng tumaya mula sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2020 06:34 PM | Updated as of Sep 09 2020 08:56 AM

MAYNILA - Uuwing milyonaryo ang isang mananaya mula Quezon City matapos tumama sa Ultra Lotto 6/58 noong Linggo.

Natumbok ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 18-19-28-09-01-11 at nanalo ng P339 milyon, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). 

"Ginalingan mo ang pagpili ng lucky numbers mo! UltraMilyonaryo ka tuloy ngayon," pahayag ng ahensiya sa Facebook.

"Talaga namang napakaswerte mo, ikaw na bumili ng ticket sa Quezon City, Metro Manila," dagdag ng PCSO.

Nanalo naman ng P120,000 ang 57 na mananaya na nakakuha ng 5 lumabas na numero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.