Ilang kalsada sa La Union di madaanan dahil sa baha

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2019 05:09 PM

Watch more in iWantTFC

Hindi madaanan ng mga motorista ang ilang kalsada sa La Union dahil sa baha, sabi ngayong Linggo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng lalawigan.

Kasama sa mga binaha ay ang mga kalsada sa mga bayan ng Bauang, Luna, San Juan, at San Fernando.

Bunga ito ng mga patuloy na pag-ulang dala ng hanging habagat, sabi ng PDRRMC.

Lapgas na raw sa normal ang dami ng tubig-ulan na bumuhos ngayong Linggo sa lalawigan.

Pero wala pang naiuulat na mga paglikas sa mga lokalidad, sabi ng PDRRMO.

-- Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.