SAPUL SA DASHCAM: Trak, inararo ang mga sasakyan sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2018 05:26 AM

Mula kay Michael Cordero Ginete

BACOLOD CITY - Patay ang isang lalaki habang sugatan ang 4 na iba pa matapos araruhin ng trak ang traysikel at motorsiklo nitong siyudad Biyernes ng tanghali.

Kinilala ang namatay na si Gary Tabafa na isa sa mga pasahero ng traysikel.

Sugatan naman ang drayber ng traysikel at 2 nitong pasahero. Nagtamo rin ng sugat ang drayber ng motorsiklo.

Ayon sa mga nakakita sa insidente, binangga ng trak ang 2 sasakyan habang nakahinto ang mga ito sa stop light sa intersection ng Alijis at Handumanan.

Mabilis umano ang takbo ng trak, anila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng preno ang trak.

Posibleng mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries, and damage to properties ang drayber ng trak. - ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.