PNP nananatiling tapat sa taumbayan: Albayalde

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2018 06:17 PM

MAYNILA—Nananatiling tapat sa taumbayan ang buong hanay ng Philippine National Police.

Ito ang pahayag ni PNP chief Director General Oscar Albayalde matapos banggitin ni Sen. Antonio Trillanes IV na may ilang sundalo at pulis na dismayado sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"As far as the Philippine National Police is concerned, zero, wala kaming nakukuhang ganyan na nadidismaya," ani Albayalde sa isang panayam sa Camp Crame, Quezon City.

Ang pahayag ni Albayalde ay kasunod ng panawagan ni Pangulong Duterte sa mga awtoridad na maging matapat sa bayan at Konstitusyon.

"I always stressed to the uniformed people of our government that they should not nurture in me or in anybody else in my Cabinet or government, loyalty. I said you should focus your loyalty to the flag of the Philippines and to the Constitution," ani Duterte sa talumpati niya nitong Sabado ng umaga.

"Sabi ko sa kanila, I do not need loyalty. I was elected president and I intend to serve," dagdag ng Pangulo.

Nang tanungin naman kung kailangan ba ng "loyalty check" sa hanay ng kapulisan, mariing tumanggi si Albayalde.

"Of course none. We've always been loyal to the Constitution palagi 'yan and of course the Filipino people. We serve the Filipino people dito," aniya.

"There's no need for any loyalty check sa aming hanay," dagdag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.