Dating kagawad at kapatid, tinambangan sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2018 05:35 AM

CEBU - Patay ang magkapatid na lalaki matapos silang tambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Tabok, Mandaue City, Cebu Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Wendel Alilin na dating kagawad ng barangay at kapatid nitong si Bryan.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, galing sa sabungan ang magkapatid at pauwi na sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin.

"Titingnan natin kung may nakaaway sila sa sabungan," ani Senior Insp. Rongene Fodutan, hepe ng Jagobiao Police Station.

Patuloy ang imbestigasyon sa pamamaslang para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Tumakbo sa nakaraang halalan si Wendel pero natalo. Nagtatrabaho naman bilang habal-habal driver si Bryan.

Ayon sa kinakasama ni Bryan, walang bisyo ang biktima maliban sa pagsasabong. - ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.