ALAMIN: Presyo ng gulay sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2018 05:29 AM

BAGUIO CITY - Tumaas na naman ang presyo ng mga gulay sa Baguio City.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture, tumaas ito nang P10 hanggang P100 kada kilo kumpara noong mga nakaraang araw.

Ito'y kahit hindi naman tumaas ang presyo ng gulay sa mismong bagsakan ng gulay sa La Trinidad Trading Post.

Narito ang kasalukuyang presyo ng mga gulay (Setyembre 7, 2018):

- Broccoli - P120/kilo naging P200/kilo
- Repolyo - P70/kilo naging P100/kilo
- Celery - P250/kilo naging P350/kilo
- Carrots - P130/kilo naging P140/kilo
- Patatas - P50/kilo naging P60/kilo
- Sayote - P25/kilo naging P90/kilo

Ayon kay Jerry Damoyan, chief ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA-Cordillera, wala silang awtoridad hinggil sa mataas na pagpapataw ng presyo ng mga tindera.

Inaasahang ngayong buwan babalik sa normal ang presyo ng mga gulay mula Benguet.

Ayon kay Benguet Governor Cresencio Pacalso, maglalaan sila ng P12 milyon mula sa calamity fund para sa pagsasaayos sa sektor ng agrikultura.

"Uunahin na gagamitin natin ay ang 12 million para sa pagkukumpuni ng kalsada at pagbibigay ng tulong sa ating mga magsasaka," aniya. - ulat ni Justin Aguilar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.