Bahay ng bise alkalde ng Maasin, Iloilo, hinalughog ng pulisya

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2017 10:30 AM | Updated as of Sep 08 2017 11:04 AM

ILOILO - Hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Maasin, Iloilo Vice Mayor Francis Amboy Biyernes ng umaga dahil sa mga ulat na nagtatago siya umano ng mga armas.

Inakusahan rin ang opisyal nagtatago sa isang Ernesto Bolivar na isa umanong kilalang drug lord sa lalawigan.

Wala namang nakitang kahit anong armas sa bahay ni Amboy. Aniya, nauna na niyang isinuko ang kanyang mga armas noong nakaraang taon matapos masama ang kanyang pangalan sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga umano'y protektor ng mga drug lord.

Itinanggi rin ni Amboy na kilala niya si Bolivar.

Inamin ni Amboy na ilang araw na siyang nag-aalala dahil sa sunod-sunod na mga operasyon laban sa mga umano'y may kaugnayan sa ilegal na droga.

Hinangaan naman niya ang naging maayos na paghahain ng search warrant laban sa kanya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.