PatrolPH

#WalangPasok: Setyembre 7, Martes dahil sa bagyong Jolina

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2021 01:11 AM | Updated as of Sep 08 2021 05:25 PM

MAYNILA (UPDATE)—Suspendido ang trabaho sa pamahalaan at klase sa mga sumusunod na lugar nitong Martes, Setyembre 7, dahil sa masamang panahong dala ng bagyong Jolina.

LAHAT NG ANTAS:

  • Northern Samar
  • Tacloban

Itinaas ang Signal No. 2 sa parehong probinsiya nitong Lunes ng gabi matapos mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng bayan ng Hernani, Eastern Samar.

 

Ayon kay Northern Samar Governor Edwin Ongchuan, hindi kasama sa suspension ang mga opisina ng pamahalaan na may tungkuling kaugnay ng disaster management, kalusugan at jail management.

Inaasahang babaybayin ng bagyo ang mga lalawigan ng Samar at sa Bicol sa mga susunod na araw. — May ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.