PatrolPH

Klase, trabaho suspendido sa Ormoc dahil sa Bagyong Jolina

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2021 12:08 PM

MAYNILA—Suspendido ang trabaho sa pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Ormoc City sa Leyte nitong Martes dahil sa Bagyong Jolina.

Ito'y matapos magpalabas ng Executive Order 204 si Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil sa masamang panahon.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang trabaho ng mga security, medical at emergency response personnel.

Pagdating sa pribadong sektor, depende na umano ito sa magiging pasya ng pamunuan ng mga kompanya.

Base sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA alas-8 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Almagro, Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kph.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.