PatrolPH

Ilang residente sa Ormoc sinagip dahil sa pagbaha dulot ng bagyong Jolina

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2021 05:10 AM

Sinagip ng city disaster risk reduction and management office ng Ormoc ang ilang mga residente, kabilang ang mga bata at matanda, sa Barangay Punta dahil sa biglang pagtaas ng tubig baha dala ng bagyong Jolina.

Nangangamba ang mga residente na patuloy pang tumaas ang tubig dahil patuloy rin ang pag-ulan.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa hilagang bahagi ng Leyte, kabilang na ang Ormoc. — May ulat ni Sharon Evite

Watch more on iWantTFC
Video courtesy of John Kevin Decio Pilapil
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.