Sharia lawyer, patay sa pamamaril sa Cotabato

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2019 11:54 PM

MIDSAYAP, Cotabato—Isang Sharia lawyer ang pinaslang sa bayan na ito Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Khadafy Blao, 43, at residente ng Cotabato City.

Ayon sa pulisya, katatapos lamang ni Blao na magsimba o magsambayang sa isang mosque sa Barangay Olandang nang maganap ang insidente.

Di pa umano siya tuluyang nakalabas ng bahay-dasalan nang pagbabarilin siya ng isang di pa nakikilalang salarin.

Itinuturing si Blao na isang aktibong Muslim leader sa probinsiya ng Cotabato.

Blangko pa ang pamilya ng biktima sa motibo ng krimen.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.