2 Malaysian na nag-drug session tiklo sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2019 08:00 PM

MANILA—Arestado ang 2 Malaysian matapos umanong mag-drug session sa isang hotel sa Barangay 23, Pasay City nitong Sabado.

Isang 26-anyos na encoder at 28-anyos na investor ang inaresto.

Ayon sa pulisya, agad nag-report sa kanila ang manager ng hotel na tinuluyan ng mga dayuhan matapos makakita ang housekeeping ng drug paraphernalia sa kuwarto.

Pa-checkout na sana ang 2 suspek nang inabutan sila ng pulisya.

Dinala sa presinto ang mga suspek at sumasailalim sa imbestigasyon. —Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.