Price control sa bigas, tapyas-presyo sa petrolyo, isinusulong

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2018 08:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isinusulong ng mga agriculture group na magkaroon ng price control sa bigas at ang pagpapababa sa presyo ng krudo para agad umanong mapigilan ang problema sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Para kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chair Rosendo So, dapat pababain ang presyo ng produktong petrolyo dahil susunod na dito ang presyo ng iba pang mga produkto. 

“Kung ibaba natin ang presyo ng oil, walang rason lahat na hindi bababa ang presyo,” aniya. 

Ayon naman sa mga grupong Bantay-Bigas at Philcograins, dapat isulong na ang price control sa bigas. 

Kamakailan lang, lumabas ang datos na pumalo sa 6.4 porsiyento ang inflation nitong Agosto.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), magiging malaking tulong sa mga konsumer ang ginawa nilang "price holding" ng mga pangunahing bilihin tulad ng delata, noodles, at kape hanggang Disyembre 1.

TINGING GULAY PATOK SA PALENGKE SA QC

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa isang palengke naman sa Quezon City, patok ang mga tingi-tinging gulay bunsod ng mataas na presyo. 

→Sa P5, makabibili na ng: 

  • 3 piraso ng siling labuyo
  • 3 pirasong siling haba
  • 10 pirasong kalamansi
  • 1 pirasong luya
  • 1 taling malunggay 
  • 1 taling saluyot
  • 1 taling kangkong

→Sa P10 naman, makabibili ng: 

  • 2 maliit na carrots
  • 3 patatas
  • 2 bell pepper
  • 2 pirasong bawang

-- Ulat nina Kori Quintos at Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.