ALAMIN: Paano makaiiwas sa epekto ng 'third hand smoke'

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2018 08:53 PM | Updated as of Sep 13 2018 09:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bukod sa first-hand at second-hand na usok, maaaring maging sanhi rin sakit ang third-hand smoke, na nakukuha mula sa kumakapit na latak ng sigarilyo na hindi nakikita sa paligid.

Ayon sa pulmonologist na si Ma. Janeth Samson, may epekto pa rin ang abo at usok ng sigarilyo kapag kumakapit ito sa ibang tao.

“Kapag hinawakan mo 'yung mga anak mo when you get home, puwede ring kumapit sa kanila. 'Yung kamay niya na nilagay sa damit mo, puwedeng ma-ingest iyon, ma-inhale iyon. Kung parating nangyayari iyon, it accumulates and generates effects,” paliwanag ng doktor.

Maaaring makuha ang mga sakit tulad ng allergic rhinitis, at hika o asthma, na nakukuha rin ng mga first-hand at second-hand smokers.

Ito ang nangyari sa non-smoker na si Victoria Tuazon, na pinangangambahang sa third-hand smoke nakuha ang mga nabanggit na karamdaman.

Aniya, maaari raw nakuha ang sakit sa kaniyang asawang naninigarilyo noon sa kanilang bahay.

Hindi madaling matanggal ang latak ng sigarilyo kaya payo ni Samson ay linisin maigi ang mga kasangkapang kinakapitan nito upang masigurong wala ang third-hand smoke sa bahay.

—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.