2 suspek sa mga pagsabog sa Isulan patay sa engkuwentro sa Maguindanao

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2018 08:49 PM

Patay ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa operasyon ng militar sa Datu Montawal, Maguindanao nitong Biyernes.

Sa panayam kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, miyembro ng Dawlah Islamiyah Abu Turayfe Group ang dalawang napatay.

Ayon sa militar, ang naturang grupo ang responsable sa magkakambal na pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat noong Agosto 28 at Setyembre 2.

Narekober ang 3 improvised explosive device at ilang baril sa pinagkukutaan ng mga rebelde.

Wala namang nasugatan sa panig ng militar.

Ang nasabing operasyon ay bunga aniya ng mas pinaigting at nagpapatuloy na paghabol sa mga nasa likod ng mga pagpapasabog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.