P3.5-M halaga ng 'shabu' nasamsam sa magkahiwalay na QC drug bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2020 12:33 PM

MAYNILA - Nasamsam ang nasa higit P3.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City, sabi ngayong Linggo ng mga awtoridad.

Sa operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Batasan Hills, nahuli sina alyas "Dionisio" at "Arnel," kapuwa 24 anyos.

Nakuha sa dalawang suspek ang nasa higit P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu. 

Natimbog naman ng pulisya sa Barangay Pasong Tamo si alyas "Jaypee," na itinuturing na nangungunang drug personality sa listahan ng Quezon City Police District.

Nakipagkita si "Jaypee" sa poseur-buyer na bumili sa kaniya ng P4,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Nakuhanan si "Jaypee" ng nasa P170,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

-- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.