'Takot kay De Lima': Duterte dinepensahan ang paglipat sa 10 Bilibid inmates

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 08:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dinepensahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglilipat sa Marines ng kustodiya ng 10 Chinese at Pinoy inmates mula Bilibid dahil umano sa takot kay Sen. Leila de Lima.

"[P]inalipat ko diyan sa Marines. Bakit? Dahil natakot ako na may marami pang tauhan si De Lima na naiwan diyan at 'yang mga tumestigo ay nandiyan, iihawin talaga 'yan," sabi ni Duterte sa isang talumpati sa Naga City, Cebu nitong Biyernes.

Nalantad kasing 7 sa 10 convicts ay tumayong witness laban kay De Lima sa mga kasong may kinalaman sa droga.

"Iko-confirm ko po 'yon, na 'yung mga convict natin ay na-transfer sa Marines on the night ng June 12, kasi 'yung BuCor (Bureau of Corrections) natin ay nag-seek sa amin na makigamit ng detention facilities ng Marines," pag-amin ni Marines spokesman Capt. Felix Serapio nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nailipat na sina:

  • Hanz Anton Tan
  • Tuan Yuan Wu
  • Jojo Baligad
  • Vicente Sy
  • Froilan Trestiza
  • Nonito Arile
  • Jose Chua
  • Rico Caja
  • Joel Capones
  • Allan Sinugat

Sina Arile, Baligad, Sy, Tan, Trestiza, Co, at Capones ang mga tumestigo kay De Lima na naging dahilan para makulong ang senadora.

Dinepensahan din ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang paglilipat at sinabing lehitimo ang basehan nito.

"As long as court approval is secured, I guess that should be okay because the intention is not to provide any special treatment but to secure precisely these people," ayon sa kalihim.

Pero si De Lima, sinabing napahalakhak siya sa sinabing seguridad ang dahilan kaya inilipat ang mga kriminal sa Marines.

"For 'very special security' reasons raw because they are 'witnesses to a certain case,' meaning, the trumped-up drug cases against me. Are they implying that there's a security threat coming from me? Baloney! Hilarious!" aniya sa isang pahayag.

Tinigin pa ni De Lima, tuturuan ang mga convict para pekein ang kanilang mga pahayag para lalo siyang madiin sa mga kaso.

"I strongly suspect that the real reason is for my oppressors... to further coach and coerce or pressure them to stick to their perjured testimonies," anang senadora.

—Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.