Sunog sumiklab sa isang kainan sa mall sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 03:38 AM

Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

ILOILO CITY—Sumiklab ang sunog sa isang kainan sa loob ng isang shopping mall sa lungsod na ito Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasunog ang exhaust at bahagi ng burner ng Kogi Q Restaurant.

Naapula naman ito kaagad ng mga kawani ng kainan gamit ang fire extinguisher.

Ayon kay FO3 Denmark Macoco ng BFP-Iloilo City, nagsimula ang apoy malapit sa burner at hinigop ito ng nakakabit na exhaust.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente dahil agad pinalabas ang mga customer ng restaurant.—Ulat ni Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.