Nakaposas na babaeng taga-Cavite, binaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 03:32 AM

MAYNILA—Patay ang isang nakaposas na babae matapos pagbabarilin sa Quirino Highway, Barangay Balon Bato, Quezon City, Huwebes ng gabi.

Base sa ID na narekober, 39 anyos ang biktima na taga-bayan ng Dasmariñas, Cavite.

Nakasuot ito ng pulang t-shirt, itim na shorts at may katamtaman ang laki ng katawan.

Ayon kay Balon Bato Barangay councilor Evelyn Baetiong, alas-10:30 ng gabi nang ireport sa kanila ang insidente.

Nakarinig umano ng 2 putok ng baril ang mga residente bago natagpuang nakahandusay sa kalsada ang babae. Nagtamo ito ng 2 tama ng bala sa ulo.

Hindi naman nakuhanan sa CCTV camera ang insidente at agad ding tumakas ang hindi pa kilalang salarin. — Ulat nina Lyza Aquino at Jervis Manahan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.