Bangkay ng ground staff ng bumagsak na eroplano, naiuwi na

Vina Araneta-Pilapil, ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 12:47 PM

Isa si Yamato Houstler Togawa sa mga nasawi sa pagbagsak ng medical evacuation aircraft sa Calamba City, Laguna. Vina Araneta-Pilapil, ABS-CBN News

Naiuwi na sa Davao City ang mga labi ng isa sa mga namatay sa pagbagsak ng eroplano sa Calamba, Laguna.

Ground staff ng King Air 350 medevac plane ang 28-anyos na si Yamato Houstler Togawa na lumaki sa Davao City.

Dati siyang IT manager at fire volunteer ng Bureau of Fire Protection.

Galing Dipolog City ang eroplano at papunta sanang Maynila lulan ang 9 katao para sa medical evacuation.

Sabi ng asawa ni Togawa, nakapagtext pa sa kaniya ang mister alas-3 ng hapon noong Linggo ilang minuto bago bumagsak ang eroplano.

Naulila ni Togawa ang kaniyang asawa at 7 buwang gulang na anak na lalaki.

Kasama sa mga nasawi si Erma Carr at asawa nitong taga-New Zealand na si Tom na magpapagamot sana sa Maynila.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines na sumabog muna ang medical evacuation aircraft bago bumagsak sa Calamba City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.