Bangkay ng babae natagpuang lumulutang sa ilog sa Bataan

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 12:14 AM

Isang bangkay ng babae ang nakitang lumulutang sa ilog ng Talisay sa Barangay Santa Rosa sa bayan ng Pilar, Bataan, Miyerkoles.

Namamangka ang ilang lalaki sa ilog nang makita nila ang bangkay na nakasuot ng dilaw na t-shirt at bulaklaking leggings.

Matapos ang ilang oras, dumating ang mga nagpakilalang kaanak ng biktima. Kinilala itong si Lydia Borbon Andrade, 50.

Ayon sa kaanak ng biktima, Lunes nang lumabas ng bahay ang biktima at hindi na bumalik. Hinala nila, nadulas ito sa dike dahil maulan nitong mga nagdaang araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.