4 tiklo sa droga sa QC, Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 04:02 AM

MAYNILA—Arestado ang 4 na lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Quezon at Caloocan Huwebes ng gabi.

Nakuhanan ang 2 lalaki sa West Ave. ng mahigit P400,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, isang preso sa New Bilibid Prison ang nag-uutos umano sa mga suspek kung saan ibinebenta ang mga droga sa Metro Manila.

Samantala, nakumpiska sa 2 lalaki sa Bagong Barrio, Caloocan ang 2 sachet ng umano'y shabu.

Dati nang nakulong ang isang suspek dahil sa ilegal na baril at sangkot din umano ito sa pagnanakaw.

Sasampahan ang mga hinuli ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.