410 impounded na sasakyan dinala sa Tarlac

Kevin Manalo, ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2016 11:41 AM

MANILA - Inilipat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 410 sasakyan sa kanilang bagong impounding site sa Barangay San Isidro, Tarlac City Martes.

Kabilang sa mga dinala sa bagong pasilidad ang 150 sasakyan at 260 motorsiklo mula sa MMDA impounding area sa Pasig.

Inanunsyo ni MMDA general manager Timothy Orbos na mula Martes ay dadalhin na sa Tarlac ang mga mai-impound na sasakyan kung hindi ito matutubos ng mga may-ari sa loob ng isang araw.

Hinikayat din ni Orbos ang mga motorista na isumbong sa MMDA ang mga anumang pang-aabuso o maling paghatak sa mga sasakyan ng mga tiwaling towing company.

Bahagya namang nagpasikip ng trapiko ang pagdadala ng impounded vehicles sa Tarlac ngayong Martes.