Plantasyon ng marijuana nadiskubre sa Davao Oriental

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2019 06:30 PM

Natunton ng pulisya ang isang marijuana plantation sa Sitio Lower Napo sa Barangay Zaragoza sa bayan ng Manay, Davao Oriental Miyerkoles ng madaling araw.

Ito'y matapos beripikahin ang impormasyon na isang pugante ang nagtatago sa lugar, pero marijuana plantation ang natagpuan ng mga awtoridad.

Huli na nagpapatubo ng marijuana ang tatlong magkakamag-anak na magsasaka.

Isinagawa ng mga operatiba ang tagging at marking sa binunot na mga tanim na marijuana, na nagkakahalaga lahat ng P300,000.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli.

“We may not get the target person. However, fate led us to the discovery of the plantation of marijuana, which was also a good target. Rest assured that this will be just one of the many accomplishments against illegal drugs as we are one with the government`s anti-criminality drive,” pahayag ni Police Brig. Gen. Marcelo Morales, hepe ng Police Regional Office XI.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.