PatrolPH

DENR forest ranger patay sa pananaga sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2019 03:23 AM | Updated as of Sep 05 2019 06:55 AM

MAYNILA—Patay ang isang forest ranger ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos pagtatagain ng mga hindi pa kilalang salarin sa El Nido, Palawan nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Bienvenido Severino, 44 anyos.

Base sa paunang ulat ng Mimaropa police, habang nagsasagawa ng law enforcement operation ang biktima sa bahagi ng Barangay Bagong Silangan, El Nido, bigla na lamang itong pinagtataga ng nasa 6 na lalaki.

Patuloy ang hot pursuit operation at imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. 

Hindi pa malinaw kung may kinalaman sa pagiging forest ranger ng biktima ang pamamaslang.—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.