Sugatang dolphin, nasagip sa Camarines Sur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2018 04:52 PM | Updated as of Sep 05 2018 05:03 PM

May haba ang sugatang dolphin na 3 metro at lapad na .37 metro. Kuha ni Laurence Jojo

Nasagip ang isang sugatang dolphin na napadpad sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur Miyerkoles ng umaga.

May mga sugat ito sa katawan nang makita ng mga residente sa lugar. May haba ang dolphin na 3 metro at lapad na .37 metro.

Agad namang sumaklolo ang Municipal Disaster Risk Reduction, Saver del Gallego, Department of Agriculture, at Bantay Dagat.

Nilapatan ng gamot ang mga sugat ng dolphin bago pinakawalan sa dagat.

Ayon sa mga residente, pangalawang beses nang may napadpad na dolphin sa lugar ngayong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.