PatrolPH

COVID vaccination ng mga buntis umarangkada na sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2021 10:41 PM

Pagbabakuna ng mga buntis kontra COVID-19 sa Quezon City. Courtesy: Quezon City Government.
Pagbabakuna ng mga buntis kontra COVID-19 sa Quezon City. Courtesy: Quezon City Government.

MAYNILA - Umarangkada na ang pagbabakuna ng mga buntis sa Quezon City nitong Sabado, ayon sa lokal na pamahalaan. 

 

Sa Facebook, sinabi ng lokal na pamahalaan na may 6 vaccination sites na inilaan para sa mga buntis. 

Mga vaccine sites para sa buntis sa QC:

  • District 1 - Esteban Abada ES
  • District 2 - Batasan NHS
  • District 3 - Quirino ES
  • District 4 - Pinyahan ES
  • District 5 - Kaligayahan AC
  • District 6 - Pasong Tamo ES

Nagpaalala ang LGU na mga nanay na nasa ika-2 at ika-3 trimester lang ang maaaring mabakunahan. 

Sasailalim sa health checkup ang mga magpapabakuna, at pipirma ng consent form na nagsasabing pumapayag silang magpabakuna kontra COVID-19. 

Mula Sabado ng umaga, nasa 2,534,554 ang bilang ng mga nababakunahan kontra COVID-19. 

Sa bilang, 901,117 ang fully vaccinated na o katumbas ng 53.01 porsiyento ng 1.7 milyong target population. 

Ang mga buntis ay inilagay kamakailan sa A3 category, kasama ang mga person with comorbidity. —Ulat ni Angela Coloma, ABS-CBN News 

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.