PatrolPH

Matandang lalaki, patay sa sunog sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 09:46 AM

Matandang lalaki, patay sa sunog sa Iloilo 1
Na suffocate umano ang matandang biktima sa loob ng kaniyang nasusunog na kuwarto na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Patay ang isang 72-anyos na lalaki matapos na ma-trap sa nasusunog na kuwarto sa Barangay Granada, Guimbal, Iloilo, Miyerkoles ng madaling araw.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection, kinilala ang nasawi na si Nicanor Subiron, nakatira sa bahay na pagmamay-ari ni Salvador Gomez.

Ayon kay SFO4 Russel Gotera, posibleng sa kandila nag-umpisa ang apoy dahil madalas na nagsisindi umano ang biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.