Manok, ilang gulay nagtaas-presyo sa Muñoz Market

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 11:45 AM

MAYNILA — Tumaas ang presyo ng kada kilo ng manok at ilang gulay sa Muñoz Market sa Quezon City nitong Miyerkoles.

Nasa P160 na ang kada kilo ng manok mula sa P150.

Samantala, tumaas din ang presyo ng mga sumusunod na gulay:

• Repolyo → P80/kilo (dating P70/kilo)
• Patatas → P90/kilo (dating P80/kilo)
• Talong → P80/kilo (dating P60/kilo)
• Sayote → P70/kilo (dating P50/kilo)

Bumaba naman ang presyo ng mga sumusunod na gulay:

• Carrots → P80/kilo (dating P100/kilo)
• Ampalaya→ P70/kilo (dating P100/kilo)

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.