PatrolPH

Bangkay ng sanggol, natagpuang palutang-lutang sa dagat

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 06:27 PM

Bangkay ng sanggol, natagpuang palutang-lutang sa dagat 1
Inilagay sa isang kahon ang bangkay ng sanggol na natagpuan ng mangingisda na palutang-lutang sa dagat. Paul Palacio, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Isang sanggol ang natagpuang patay at palutang-lutang sa dagat na sakop ng Purok Santa Catalina, Barangay Lapu-Lapu Agdao, Miyerkoles ng umaga.

Natagpuan ng mangingisdang si Romy Abayon ang babaeng sanggol kaya’t kinuha niya ito at inilagay sa isang karton.

Nagsagawa agad ng imbestigasyon ang mga pulis katuwang ang mga barangay officials para matunton ang ina ng sanggol.

Dinala na sa punerarya ang sanggol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.