Bangkay ng lalaki, natagpuang palutang-lutang sa Manila Bay

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 12:37 AM

MANILA - Isang bangkay ng matandang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa bahagi ng Parola, Binondo sa Manila Bay nitong Martes.

Ayon sa pulisya, malapit sa seawall natagpuan ang biktima na may taas na 5'3 at tinatayang 60 hanggang 70 anyos.

Nakasuot ng itim na polo shirt at brown na pantalon ang bangkay.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima kaya hinala ng mga pulis nalunod at inanod lamang ang bangkay nito sa Parola.

Inaalam na kung saan nagmula ang biktima. - Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.