14 arestado sa pagsalakay ng PDEA sa 2 drug den sa Maynila

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 10:15 PM

MAYNILA - Arestado ang 14 na drug personalities sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Capital Region sa lungsod ng Maynila Miyerkoles.

Ayon kay Atty. George Paul Alcovindas, officer-in-charge ng PDEA-NCR, naghain sila ng search warrant sa 2 tukoy na drug den sa Geronimo Street sa Barangay 432 sa Sampaloc.

Nasamsam din sa operasyon ang nasa 45 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P306,000 at drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang 14 na naaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.