Jeep sumalpok sa bahay sa CDO; 4 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2018 02:54 AM

Rod Bolivar, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO - Sugatan ang 3 pasahero at drayber ng isang pampasaherong jeep matapos itong bumangga sa isang bahay sa Apovel Subdivision sa Barangay Bulua, Cagayan De Oro City Lunes ng hapon.

Kuwento ng isang pasahero, bumilis umano ang takbo ng jeep bago ito sumalpok sa bahay.

"Kakaalis lang namin mula sa terminal pero agad na bumilis ang takbo ng PUJ hanggang sa bumangga ito sa bahay sa unahan," ani Rosemary Lake.

Wala namang tao sa bahay ni Glory Hernandez nang mangyari ang insidente.

Pababa ang daan mula sa terminal papuntang Apovel Subdivision at nasa sentro ng intersection ang bahay ng mga Hernandez.

Isang jeep na rin ang bumangga sa bahay noong 2016 matapos pumutok ang brake nito.

Nasa ligtas na kalagayan naman ang mga pasahero at drayber na si Freedom Pabelic matapos dalhin sa ospital. - Rod Bolivar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.