Seguridad sa mga bus terminal, nananatiling mahigpit

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2016 09:54 AM

MANILA, Philippines – Nananatiling mahigpit ang seguridad sa mga bus terminals sa Cubao Linggo ng umaga.

Ito ay matapos itaas ang alerto ng pulisya sa Maynila bilang bahagi ng state of lawlessness na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado.

Sa Araneta Bus Terminal, nakadestino ang isang unit ng Quezon City Police District (QCPD) bomb squad upang maiwasan ang pagpasok ng mga explosives sa lugar.

Katulong ng mga operatiba ang isang K-9 na kayang magdetect ng iba't ibang uri ng bomba tulad ng improvised explosive device o IED na ginamit ng Abu Sayaf sa Davao City noong Byernes ng gabi na nagresulta sa pagkamatay ng 14 na tao.

Mayroon ring mga bomb-sniffing dogs ang ilang terminal sa Cubao at dinoble na rin ang presensya ng mga pulis na nasa terminal.

Nananatili pa namang mababa ang bilang ng mga pasahero sa mga oras na ito, partikular na ang mga uuwi ng malalayong probinsya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.