PatrolPH

2 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Skyway Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2022 02:52 PM

MAYNILA — Dalawa ang patay at isa ang sugatan sa aksidente sa southbound lane ng Skyway sa bahagi ng Parañaque City ngayong Sabado.

Pasado ala-4 ng madaling-araw nang mangyari ang aksidente, ayon kay Police Lt. Ricardo Martinez ng Philippine National Police Highway Patrol Group.

Nawalan umano ng kontrol ang itim na Mitsubishi Montero at bumangga sa isang poste.

Sa lakas ng pagkakabangga ay makikitang wasak ang sport utility vehicle.

Dalawang lalaki ang nasawi kabilang na ang driver ng Montero.

Dinala naman sa Taguig Pateros District Hospital ang pasaherong babae.

Pasado ala-9 ng umaga nang magbalik-normal ang daloy ng trapiko sa southbound lane ng Skyway. — Ulat ni Junry Hidalgo

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.